^

Metro

235 kilo ng botcha nasabat sa Maynila

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
235 kilo ng botcha nasabat sa Maynila
Ang nasabat na 235 kilo ng botcha sa Maynila.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umaabot sa 235 kilo ng botchang baboy at manok ang nasabat ng mga tauhan ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB) sa Ilaya, Recto.

Ayon kay Nick Santos, hepe ng VIB, dakong ala 1- ng  madaling araw nang makumpiska   nila ang mga  botchang baboy at manok na nakatago pa sa ilalim ng mesa.

Wala namang naaresto at walang umaamin kung kanino ang nasabing mga botcha. 

Lumilitaw na ginagamitan ng reflector na kulay pula at ilaw  ang mga baboy upang gumanda ang kulay sa mga namimili.

Walang certificate mula sa meat inspectors ang mga nakuhang botcha. 

Hindi na rin maaaring ipakain sa mga hayop ang mga botchang manok at baboy dahil puro amag na ito.

Tiniyak ni Santos na  magsasagawa sila ng ins­peksiyon sa iba’t ibang palengke upang masiguro na walang botcha na  maititinda at mabibili ng mga mamimili.

DOUBLE DEAD MEAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with