^

Metro

4 practical tips on how to handle your credit card wisely

Chinkee Tan - Pilipino Star Ngayon
4 practical tips on how to handle your credit card wisely
“Maging wais at responsable sa paggamit ng credit card. Dahil kapag ito’y inabuso, tiyak dulot ay sakit ng ulo.”—Chinkee Tan, Filipino motivational speaker
Photo Release

“Uy, ang ganda nito ah!” SWIPE!

“Grabe 0% interest for 12 months!” SWIPE!

“May bago nang model yung cellphone na bet ko!” SWIPE!

Bilhin ko na, 3% interest lang naman per month!” SWIPE!

Ganyan tayo whenever temptation is kicking in.

Maski hindi kailangan. Maski meron pa naman tayo. Malakas ang loob natin dahil sa credit card. Pakiramdam natin, pera natin yung credit limit na andun.

Pero ang totoo, hangga’t hindi natin bayad in FULL, utang pa din ang tawag dun—hiram sa banko ‘ika nga. So masama ba ang magkaroon nito?

Of course not. Meron itong mga benepisyo tulad ng convenience, freebies, o buy now, pay later scheme. Nagiging mali lang kapag inabuso natin ito. Kapag feeling natin pwede nang mag-unli gastos.

Para hindi tayo maipit at magkaproblema sa paggamit nito, andito ang four practical tips on how to handle your credit card wisely:

1. Be responsible

Parang cellphone lang yan eh, iingatan natin at hindi hahayaang malaspag kasi baka masira.

Ganoon din sa credit cards, hindi dapat natin hayaang i-swipe ito ng i-swipe hanggang sa malaspag, dahil alam nating pagbabayaran natin ito kapag wala tayong kontrol.

Matuto na tayo mga friendships. Alam na natin yung pagkaka-iba sa want at need. Kung hindi keri ng budget, bitaw na lang muna. Wag nating pipilitin.

2. You must have available cash

Ang ultimate question: Kapag nag-swipe at halimbawang kailangan nang magbayad bukas, may maibibigay ba tayo? O maghahanap ka pa ng pera?

“Eh Chinkee 0% interest naman.”

Oo nga, same thing, 'yung monthly ba ay kaya nating bayaran before due date, o again, maghahagilap ka pa?

Kasi kung maghahanap ka pa, manghihiram, o mangungutang para lang may maibayad, I do not think na wais yan sa paggamit ng card.

Napasaatin nga yung bagay na gusto natin pero, utang naman at sakit ng ulo ang kababagsakan natin.

3. Use it for convenience only

Meron tayo nito kasi:

  • Magtra-travel tayo abroad.
  • Ayaw nating magdala ng malaking amount.
  • May magagamit kapag emergency.

These are some of the ONLY reasons why we should have a credit card. Ginagamit lang natin dahil convenient pero may pambayad na nakahanda at hindi dahil may gusto lang ipagyabang o patunayan.

Ang effect nito ay depende sa kung paano natin tinitingnan ito.

4. Be wise

Karamihan sa atin ay may credit card. Hindi rin maiiwasan ang paggamit nito. Walang masama to use a credit card, ako man ay meron nito. Pero ang isang wise spender, hindi ito inaabuso.

Kada swipe natin, dapat available din ang pangbayad. Kung wala pang bayad, wala tayong karapatan i-swipe ito ng basta basta.

Tatandaan ang goal ng credit cards ay pagaani nang ating buhay.

Be wise mga kapatid. Kapag sakit ng ulo ang dulot imbis na ginhawa, baka hindi pa tayo ready para dito.

Think. Reflect. Apply.

  • Meron ka bang credit card? Kung oo, ilan?
  • Saan at tuwing kalian mo lang ito ginagamit?
  • Nakakabayad ka ba on or before the due date?

 

Para sa mga karagdagang detalye tungkol sa paggamit ng credit card na akma sa pangangailangan mo, bumisita lang sa https://www.bdo.com.ph/personal/credit-cards. 

BDO

CREDIT CARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with