^

Metro

Bagong iskedyul ng biyahe ng LRT-1 inilabas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilabas ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ang bagong iskedyul ng biyahe ng kanilang mga tren simula sa susunod na buwan.

Ayon sa LRT-1, ang bagong iskedyul ay epektibo simula sa Hulyo 29.

Layunin umano nitong bigyang-daan ang system upgrade sa rail line, na isasagawa nila para sa mas mabilis at mas ligtas na biyahe ng kanilang mga pasahero.

Batay sa abiso ng LRT-1, ang schedule ng huling biyahe ng naturang rail line, na mula Baclaran Station ay magiging alas-9:30 na lamang ng gabi mula Lunes hanggang Linggo, maging sa araw ng holiday, o mas maaga kumpara sa dating alas-10:15 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes at alas-9:45 naman ng gabi kung weekends at holidays.

Samantala, ang last trip naman mula sa Roosevelt Station ay aalis ng alas-9:45 ng gabi mula Lunes hanggang Linggo, maging sa araw ng holiday, mula sa dating schedule na alas-10:00 ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes at alas- 9:30 naman ng gabi kapag weekends at holidays.

“Mahalagang anunsiyo para sa mga pasahero ng LRT-1. Simula Hulyo 29, magkakaroon ng pagbabago sa schedule ng last trip upang bigyang daan ang system upgrade ng LRT1 para sa inyong mas ligtas at mabilis na biyahe,” anunsyo ng LRT-1. 

Nabatid na ang unang biyahe o first trips naman mula sa Roosevelt Station at Baclaran Station ay mananatiling alas-4:30 ng madaling araw, mula Lunes hanggang Linggo, maging sa araw ng holiday.

LIGHT RAIL TRANSIT LINE 1

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with