^

Metro

Tubig sa Angat dam, pababa pa rin - NWRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tubig sa Angat dam, pababa pa rin - NWRB
Ayon kay National Water Resources Board Executive Director Sevillo David , ito ay dahil hindi nakakarating sa Angat watershed ang tubig na mula sa mga nararanasang pag- ulan sa Metro Manila lalo na sa hapon at gabi.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Patuloy pa rin ang pagbaba ng water level sa Angat dam kahit na may nararanasang pag-uulan ngayon sa Luzon partikular sa Metro Manila.

Ayon kay National Water Resources Board Executive Director Sevillo David , ito ay dahil hindi nakakarating sa Angat watershed ang tubig na mula sa mga nararanasang pag- ulan sa Metro Manila lalo na sa hapon at gabi.

Ayon sa PagAsa, alas- 6 ng umaga kahapon, buma­ba sa 164.02-meter ang water level ng Angat dam mula sa 164.48 meters noong Miyerkules.

Ito ay  malayong malayo sa 180-meter minimum water level na kailangan ng Angat dam para maging normal ang operasyon. Ang Angat dam ang nagsusuplay ng 90 percent ng tubig sa Kalakhang Maynila.

Gayunman, sinabi ni David na sapat naman ang suplay sa mga taga- Metro Manila kahit bumababa pa rin ang water levels sa dam.

Noong nagdaang buwan, binawasan ng NWRB ang naisusuplay na tubig sa irigasyon dahil sa pagbaba ng water level sa dam sanhi ng El Niño phenomenon pero hindi naman ito makakaapekto sa mga magsasaka dahil nasa kalagitnaan na sila  sa kanilang  planting season.

ANGAT DAM WATER LEVEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with