Re-blocking ipapatupad sa ilang kalye sa Metro Manila
MANILA, Philippines – Matinding trapik ang inaasahan ng mga motorista ngayong weekend dahil muling magpapatupad ng re-blocking sa ilang mga lansangan sa Kalakhang Maynila.
Ayon sa abiso kahapon ng MMDA, simula alas-11:00 kagabi hanggang sa Lunes ((Hunyo 10), alas-5:00 ng umaga ay isasara ang Southbound ng C-5 malapit sa Market-Market (2nd lane beside U-turn); EDSA bago mag-Aurora Boulevard (1st lane from sidewalk) at pagkatapos ng Aurora Boulevard hanggang Arayat (1st lane from sidewalk).
Gayundin sa EDSA harapan ng Guzent Construction Equipment )1st lane from sidewalk); EDSA Magallanes-Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes-Alabang Bus Stop (outer lane) at Katipunan bago mag-F.B. Dela Roxas St. hanggang bago mag-approach ng Katipunan/Aurora Flyover (3rd lane from sidewalk).
Apektado rin ang Northbound EDSA bago mag-General Roxas Avenue hanggang pagkatapos ng Aurora Boulevard (1st and 2nd lane from sidewalk, intermittent); Quirino Highway Belfast Road hanggang Zabarte Road (1st lane from sidewalk); General Luis St. malapit sa Banahaw St. bound hanggang Caloocan City at España Boulevard Ma. Cristina St. hanggang M. Dela Fuente St.
Umaga ng Lunes ay magiging passable na sa mga motorista ang nabatid na mga kalye.
- Latest