^

Metro

DepEd Sec: Hindi ako kontra sa ‘salary increase’

Philstar.com
DepEd Sec: Hindi ako kontra sa âsalary increaseâ
"Hindi naunawaan at na-misrepresent bilang pagtutol sa salary increase ang aking diskusyon sa mga kunsiderasyong kailangang pagtuunan ng pansin bago magdesisyon," sabi niya sa Ingles.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Department of Education Secretary Leonor Briones ang mga akusasyong tutol siya “salary increase” na hinihingi ng mga guro, lalo na't kasali raw siya sa diskurso ng pagbalangkas ng paraan para mangyari ito.

“As Education Secretary, and as an advocate, I am committed to the policy to promote and improve the social and economic status of public school teachers, their living and working conditions, and their terms of employment. I am in full support of the President’s pronouncement to raise the salaries of teachers,” sabi niya.

(Bilang kalihim sa edukasyon at isang advocate, nanidindigan ako sa polisiyang magtataguyod at magpapahusay sa panlipunan at pang-ekonomikong katayuan ng mga guro sa pampublikong aralan, ang kanilang antas ng pamumuhay at pagtatrabaho at kanilang tuntunin sa kanilang ng trabaho. Suportado ko ang pahayag ng presidente tungkol sa pagtaas ng sweldo ng mga guro.)

Matatandaang sinabi ni Briones na mangangailangan ng P150 billion taun-taon para maibigay ang P10,000 umento sa sweldo ng mga guro.

“If you think over 900,000 teachers will have an increase of P10,000, it will cost us P150 billion on top of the more than P500-billion budget… Let us ask our citizens, are you ready to pay P150 billion more?” sinabi ni Briones.

(Kung sa tingin niyo'y magkakaroon ng dagdag na P 10,000 ang 900,000 guro, kailangan nating gumastos ng P150 bilyon na kaiba pa P500-bilyon badyet… Tanungin natin ang ating mga mamamayan, handa ba kayo magbayad ng dagdag na P150 bilyon?)

'Briones taksil'

Ito ang tugon ni Briones sa batikos ng Alliance of Concerned Teachers sa isang pahayag Miyerkules kung saan sinabi nila na hindi naman daw nila ginusto na maging pabigat sa mga mamamayan.

“She is maliciously trying to pit us against those who are overworked and underpaid like us in a bid to paint us as selfish and inconsiderate bunch of brats. She is prodding our own kind to be contemptuous of teachers. What kind of an education chief have we got here?” sabi ni ACT secretary general Raymond Basilio.

(Malisyoso niyang pinag-aaway kaming mga mamamayang sobra-sobra sa pagtatrabaho pero kulang ang bayad para pagmukhain kaming makasarili. Sinusubukan niyang maging galit sa mga guro ang mga kagaya namin. Anong klaseng hepe ng edukasyon ang mayroon tayo?)

Sinabi rin ng grupo na ang pagtutol ni Briones sa dagdag sa sweldo ay isang pagtaksil sa kanila na matagal nang nakikipaglaban para sa “pay hike.”

“This isn’t the first time DepEd betrayed the interest of its own employees, especially Sec. Briones. DepEd officials have raised every ridiculous argument in an effort to delegitimize our just demand for pay hike, but has not taken a second to seriously look into our situation,” sabi ni Basilio.

(Hindi ito ang unang beses kung kelan pinagtaksilan ng DepEd ang interes ng kanilang mga empleyado, lalo na si Sec. Briones. Ang mga opisyal ng DepEd ay naglabas na ang kung anu-anong argumento para maliitin ang aming makatarungan na hiling sa umento pero hindi man lang naglaan ng oras para tingnan ang aming sitwasyon.)

Hindi nagkakaintindihan?

Sinabi naman ni Briones na hindi lang naunawaan nang maayos ang sinabi niya at hindi naman niya ibig sabihin na kontra siya sa pagdagdag ng sweldo kundi na kailangan lamang alalahanin na may ganitong pangangailangan.

“What has been misunderstood, and misrepresented to be a position against a salary increase, was my discussion of the considerations that need to be taken into account in making the decision,” sabi niya.

(Hindi naunawaan at na-misrepresent bilang pagtutol sa salary increase ang aking diskusyon sa mga kunsiderasyong kailangang pagtuunan ng pansin bago magdesisyon.)

Sinabi ni Briones na nagtratrabaho siya ngayon kasama ng “economic team” ng gabinete para magawan ng paraan ang pagdagdag ng sahod sa mahigit 830,000 na guro.

“The next salary increase of public school teachers will come. As Secretary of Education and member of the Cabinet, it is my duty to help make sure that such salary increase is equitable, within the government’s means, and sustainable,” dagdag ni Briones.

(Darating din ang susunod na “salary increase” ng mga guro sa pampublikong eskwelahan. Bilang Education secretary at miyembro ng gabinete, responsibilidad ko na siguraduhin na ang ganitong “salary increase” ay pantay, saklaw ng kakayahan ng gobyerno at sustenable.) — Philstar.com intern Michelle Co

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

DEPARTMENT OF EDUCATION

LEONOR BRIONES

SALARY HIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with