^

Metro

Parak itinumba ng tandem

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Parak itinumba ng tandem
Nasawi noon din ang biktimang si P/Cpl. Alex Santa Ana Vitug, Jr., 33, ng Del Mar Subdivision, Llano, Caloocan City.
File Photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis na nakatalaga sa Mobile Patrol Unit ng Navotas City Police Station  matapos itong tambangan ng riding in tandem kung saan tinangay pa ng mga suspect ang motorsiklo at baril ng biktima, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nasawi noon din ang biktimang si P/Cpl. Alex Santa Ana Vitug, Jr., 33,  ng Del Mar Subdivision, Llano, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni Malabon City Police homicide investigator P/Cpl. Michael Oben, naganap ang insidente alas-7:20 kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Araneta Avenue at Tuazon St., Brgy. Potrero ng naturang lungsod.

Nabatid na lulan ang biktima  ng  kanyang motorsiklo patungo sa duty nito sa Navotas City Police Station, nang tambangan ito ng dalawang suspect na magkaangkas din sa isang motorsiklong walang plaka.

Nang matiyak ng mga suspect na wala ng buhay ang biktima, tinangay ng mga ito  ang motorsiklo at service fire arm ng pulis at pagkatapos ay mabilis na tumakas sa hindi mabatid na direksiyon.

Blangko pa ang pulisya sa motibo at kung sino ang mga suspect habang nagsasagawa nang masusing imbestigasyon sa insidente.

ALEX SANTA ANA VITUG JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with