4 pulis, 1 sibilyan hinatulan ng habambuhay
Sa kidnap-slay ng Taiwanese businessman
MANILA, Philippines — Habambuhay na pagkabilanggo ang hinatol ng Quezon City Court sa apat na pulis na miyembro ng ‘Doce Pares Gang’ at isang sibilyan kaugnay sa pagdukot at pagpatay sa isang Taiwanese national noong September 15, 2005.
Bukod sa life imprisonment na walang parole, inatasan din ni Quezon City Regio-nal Trial Court Branch 219 Judge Janette Abergos-Samar ang mga akusadong sina P/Staff Sergeant Allan Berania; Pat. Candido Vallejo; Pat. Joel Tapec; Pat. Alexander Pangi-linan at ang sibilyan na si Ferdinand Gahusan na magbayad ng tig-P400,000 kabuuang halaga bilang danyos sa pamilya ng biktimang Taiwanese businessman na si Michael Chan.
Ang P400,000 halaga bawat isang akusa-do ay mula sa danyos na P100,000 bilang civil indemnity, P100,000 bilang moral dama-ges, P100,000 bilang exemplary damages at P100,000 bilang temperate damages para sa pamilya ng biktima.
Tatlo pang mga suspek sa krimen na sina Pat. Daniel Maburan; Pat. Ely Frias at isang alyas Ogie ang nananatiling nakakalaya sa batas.
Sinasabi ng mga akusadong pulis na si Chan ay kanilang naaresto dahil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade.
Si Tapec ang sinasabing lider ng kilabot na ‘Doce Pares Gang’ na kinabibilangan ng mga nasibak na pulis at aktibong mga pulis noong panahong iyon.
Sa 63 pahinang desisyon ng korte, nakasaad din dito na nagtangka si Tapec na ibenta ang kanyang tatlong palapag na bahay sa Pasig City noong 2005 upang maiwa-sang makumpiska ang kanyang umano’y nakaw na yaman makaraang magsagawa ng lifestyle checks ang PNP sa kanilang miyembro.
Halos 14 na taon ding naghintay ng hustisya ang natatanging saksi sa krimen na si Mary Ann Aradana, ang common law wife ng biktimang si Chan.
Sa record ng korte, lulan ng kanyang sasakyan si Chan kasama si Aradana nang harangin ng mga suspek na pulis sa kahabaan ng Katipunan Avenue sa Quezon City.
Kinuha ang biktima at saka humihingi ng anim na milyong ransom ang mga suspek sa pamilya pero bago makapagbayad ay pinatay na ang biktima at saka itinapon ang bangkay sa Brgy. Inarawan, Antipolo City.
Hindi naman pina-niwalaan ng korte ang alibi ng mga akusadong pulis na isang legitimate anti-illegal drugs operation ang nangyari dahil walang naipakita ang mga itong matibay na ebidensiya sa kanilang alegasyon.
- Latest