^

Metro

Road closure, re-routing sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nag-abiso ang Manila District Traffic Enforcement Unit sa mga motorista na ipatutupad ngayong araw (Mayo 19) ang road closure at traffic rerouting para bigyang daan ang isasagawang Songkrun Run4UrLife festival sa Maynila.

 Sa advisory ng MDTEU, mula alas-4:00 ng madaling araw hanggang alas-7:00 ng umaga ay isasarado nila sa daloy ng trapiko ang southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo Street.

Magpapatupad din umano sila ng traffic rerouting upang matiyak na hindi magkakaroon ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar.

Ang mga sasakyang mula sa Bonifacio Drive na nais dumaan sa southbound lane ng Roxas Boulevard, ay dapat na kumaliwa sa P. Burgos Avenue, habang ang mga sasakyan namang daraan mula sa mga tulay ng Jones, McArthur, at Quezon, patungo sa southbound lane ng Roxas Boulevard, ay maaaring dumiretso sa Taft Avenue, patungo sa kanilang destinasyon.

Samantala, ang mga sasakyan naman na bumabagtas sa westbound lane ng P. Burgos Avenue, ay maaari namang kumanan sa Bonifacio Drive o di kaya’y kumaliwa sa eastbound lane ng P. Burgos Avenue, habang ang mga behikulo namang bumabagtas sa westbound lane ng TM Kalaw Street, patungong Roxas Boulevard, ay dapat na kumaliwa sa MH del Pilar Street hanggang sa kanilang patutunguhan.

Ang mga sasakyan naman na daraan sa westbound lane ng Pres. Quirino Ave­nue, na nais magtungo sa southbound lane ng Roxas Boulevard, ay dapat na kumaliwa sa Adriatico Street habang ang mga sasakyang babagtas ng westbound lane ng P Ocampo Street, at nais dumaan sa southbound lane ng Roxas Boulevard, ay dapat na kumaliwa sa F B Harrison hanggang sa kanilang point of destination.

Sinabi naman ni MPD Public Information Office (PIO) chief, P/LCol. Carlo Magno Manuel na ang aktuwal na pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada ay ibabase nila sa aktuwal na kondisyon ng trapiko sa lugar.

ROAD CLOSURE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with