^

Metro

Anak ni Dayan, pinaaaresto ng korte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Dayan, pinaaaresto ng korte
Ayon sa korte, tak­dang tumestigo si Hannah May Dayan sa pagdinig laban kay De Lima. Ang warrant of arrest laban kay Hannah May ay ipina­labas kahapon ni QC Metro­politan Trial Court Branch 34 Judge Ma. Ludmila De Pio Lim.

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng Que­zon City court ang   pag-aresto sa anak ni Ronnie Dayan, ang dating  bodyguard nang naka­kulong na si Senator Leila de Lima dahil sa pagkabigo nitong dumalo sa ipinatawag na pagdinig ng korte kaugnay ng disobedience     to summon case.

Ayon sa korte, tak­dang tumestigo si Hannah May Dayan sa pagdinig laban kay De Lima. Ang warrant of arrest laban kay Hannah May ay ipina­labas kahapon ni QC Metro­politan Trial Court Branch 34 Judge Ma. Ludmila De Pio Lim.

Magugunitang sinabi noon ni Hannah May na nag-text sa kanya si De Lima na sabihin ang kanyang ama na huwag dumalo sa congressional hearings hinggil sa pagkaka-sangkot ng una sa  illegal drug trade sa New Bilibid Prisons noong siya pa ang Kalihim   ng Department of Justice (DOJ).

 Ang arrest warrant ay inutos ni Judge Lim    sa sheriff ng Urbiztondo, Pangasinan para dalhin si Hannah May sa korte.

Sa court hearing ka­hapon, nagpakita si Atty. Heidi Soriano ng Public Attorney’s Office (PAO), abogado ni Hannah May ng  me­­dical certificate na nagsasabing tatlong buwang buntis ang kli-yente at sensitibo ang kondisyon kaya hindi makadalo sa pagdinig ng korte.

RONNIE DAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with