Full autonomy ng mga barangay chairman, ipapatupad ni Lim sa Maynila
MANILA, Philippines — Tiniyak ng nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim na bibigyan niya ng lubos na kalayaan o ‘full autonomy’ ang mga barangay chairman sa oras na muli siyang maluklok na mayor ng lungsod.
Ayon kay Lim, na siyang kandidato para mayor ng ruling party PDP-Laban na pinamumunuan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipatutupad niya ang isang uri ng sistema kung saan lahat ng barangay chairman ay agad na makakakuha ng kanilang budget nang di na kailangan pa ang pagsang-ayon ng City Council.
‘Nung ako ang mayor, automatic and pagre-release ng mga pondo ng barangay at kahit kelan ay hindi ko pinakialaman ang pondo at trabaho ng mga barangay. Di na rin kailangan pa ang pirma ko para lang lumabas ang pondo. Ibabalik ko ang sistemang ‘yan,’ ani Lim.
Binigyang-diin din ni Lim na walang dahilan upang ibinbin o i-delay ang paglalabas ng barangay funds o makiusap at magmakaawa ang isang barangay chairman para lamang makuha ang pondo na talaga namang para sa kanila. Sa ilallim ng local government code, ang mga barangay ay may karapatang share o parte mula koleksyon ng real property tax (RPT) at internal revenue ng lungsod na nakasasa- kop sa kanyang barangay.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno ay titiyakin umano ni Lim na pantay-pantay ang magiging trato sa mga barangay pagdating sa makukuhang mga tulong mula sa pamahalaang- lungsod.
- Latest