^

Metro

Dry-run sa pag-ban sa provincial bus terminals sa EDSA, suspendido muna

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Dry-run sa pag-ban sa provincial bus terminals sa EDSA, suspendido muna
Ayon ito kay MMDA General Manager Jojo Garcia matapos silang makipagpulong sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

MANILA, Philippines — Dahil sa wala pang guidelines, pansamantalang sinuspindi muna kahapon  ng Metropolitan Manila Development  (MMDA) ang dry-run para sa pagba-ban sa  mga provincial bus  terminals sa EDSA.

Ayon ito kay  MMDA General Manager Jojo Garcia matapos silang makipagpulong sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Nilinaw ni Garcia, ang pansamantalang pagsuspinde ng MMDA  sa pag-ban ng provincial bus terminals ay wala aniyang halong politika.

Gayunman, sinabi ni Garcia, sa kabila na pansamantalang suspension, mariin pa ring pinagbabawal sa mga ito na magsakay  at magbaba ng mga pasahero sa kahabaan ng EDSA.

Ang naturang polisiya ay bunga ng Metro Manila Council (MMC) Regulation Number 19-002 sa pamamagitan nang pag-revoke at kaselasyon ng  business permits sa lahat ng provincial bus terminals sa kahabaan ng EDSA na inaprubahan ng Metro Manila mayors nitong nakaraang Marso ng taong kasalukuyan.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with