^

Metro

Dalagita inatado ng tiyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Masusing iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang pagkasawi ng isang dalagita na natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng bahay ng kanyang tiyuhin sa Valenzuela City, Miyerkules ng umaga.

Naisugod pa sa Valenzuela City Emergency Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Clarisse Joyce Marcelo, 14-anyos, P. Adriano Street, Brgy. Malanday, ng naturang lungsod.

Hawak naman ngayon ng pulisya ang suspek na si Rusty Marcelo, 30-anyos. 

Sa ulat ng Valenzuela City Police, alas-9:30 ng umaga nang matagpuan ng tiyahin ng biktima na si Rosario Marcelo-Tumibay ang pamangkin sa loob ng kanilang bahay na nakahiga at naliligo sa sariling dugo. Sa inisyal na imbestigasyon, huling nakita ang biktima na kasama ng kanyang kaanak na si Rusty na dinakip ng mga pulis at isinasailalim ngayon sa masusing imbestigasyon. 

Inaalam ngayon ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpas­lang sa biktima habang inihahanda naman ang kaso laban sa suspect.

vuukle comment

VALENZUELA CITY EMERGENCY HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with