^

Metro

Takbo Para Sa Kalikasan sa Luneta

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Takbo Para Sa Kalikasan sa Luneta
Libu-libong indibidwal ang nakilahok sa isinagawang Takbo para sa Kalikasan kahapon ng umaga para suportahan ang Battle for Manila Bay Without Waste na programa ng pamahalaan, sa Burnham Green, sa Rizal Park, Ermita, Maynila.
(Kuha ni Russell Palma)

MANILA, Philippines — Nagdaos ng fun run na may temang “Takbo Para Sa Kalikasan” ang libong indibidwal para suportahan ang Battle for Manila Bay Without Waste na programa ng pamahalaan, sa Burnham Green, tapat ng Quirino Grandstand, sa Rizal Park,  Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Interior and Local Government (DILG), katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Metro Manila Development Authority (MMDA) at mga pribadong kumpanya.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na layunin ng proyekto na isulong ang rehabilitasyon ng Manila Bay at iba pang coastal areas at pagpepreserba ng Philippine Water at iba pang natural resources ng bansa.

BATTLE FOR MANILA BAY WITHOUT WASTE

TAKBO PARA SA KALIKASAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with