^

Metro

Joy Belmonte, SBP angat sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Joy Belmonte, SBP angat sa Quezon City
Hindi lang si Vice Mayor Joy Belmonte ang tagumpay sa pinaka bagong survey kundi maging ang lahat ng kandidato sa ilalim ng Serbisyo sa Bayan Party (SBP) sa lungsod.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Dalawang linggo bago ang araw ng halalan, nangu­nguna pa rin si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa pinakabagong survey bilang alkalde ng lungsod.

Hindi lamang si Vice Mayor Belmonte ang umangat sa survey kundi maging ang lahat ng kandidato sa ilalim ng Serbisyo sa Bayan Party (SBP) sa lungsod.

Sa survey na isinagawa ng iSurvey, isang independent research at data analytics firm, nakakuha si Belmonte ng 63 percent habang 32 percent si Cong. Vincent Crisologo. Nahuli naman si Ismael Mathay III sa 3 percent. 

Ang nasabing survey ay isinagawa noong ika-19 hanggang 25 ng Abril, 2019 mula sa 15,000 na rehistradong botante sa lahat ng distrito ng lungsod.

Ayon sa pag-aaral ng iSurvey, ang pangunahing mga kandidato na sina Belmonte at Crisologo ay luma­laban batay sa magkakaibang plataporma.

Ang nangungunang si Belmonte ay nangangampanya ayon sa isang progresibong plataporma na nakatuon sa paghahandog ng abot-kayang pabahay para sa mga informal settler families (ISF’s), higit na mga benepisyo para sa kalusugan at edukasyon, paninigurado ng kaligtasan ng mga taga-lungsod, at iba pang serbisyo para sa mga mamamayan.

Si Crisologo naman ay nangakong maglaan ng malaking bahagi ng pondo ng lungsod sa mga serbisyong panlipunan. Ipinapanukala rin ng kongresista ng 1st District ang pagtanggal ng lahat ng tax discounts para sa mga senior citizen, solo parens, at persons with disabilities (PWD’s) upang magkaroon ng uniform taxation sa lungsod. 

Para sa posisyon ng Vice Mayor, nangunguna si Councilor Gian Sotto na may 44 percent habang ang katunggali niyang si Joseph Sison ay may 30 percent. Si Councilor Roderick Paulate ay may 19 percent ng boto. 

Para sa Congressman, nangunguna naman sina Elizabeth Delarmente (59%) sa District 1; Precious Castelo (49%) sa District 2; Alan Reyes (65%) sa District 3; Jesus Suntay (89%) sa District 4; Alfredo Vargas (85%) sa District 5 at Christopher Belmonte (88%) sa District 6.  

Ang nasabing survey ay may +/-2% error margin at 95% Confidence Level. 

BELMONTE

JOY B

JOY BELMONTE

SBP

SERBISYO NG BAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with