Ilang kalye sa Makati, isang linggong sarado
MANILA, Philippines – Simula bukas araw ng Linggo (Abril 14) hanggang sa Eastern Sunday (Abril 21) ay isasara ang ilang kalsada sa lungsod ng Makati bunsod ng paggunita sa Semana Santa, habang magpapatupad naman ng road re-blocking sa ilang lugar sa Metro Manila.
Sa direktiba ng pamahalaang lungsod ng Makati at para na rin sa kaalaman ng mga motoristang apektado, isang linggo nilang ipatutupad ang road closure.
Ang isasarang mga kalye ay ang General Luna, Enriquez San Marcos, San Juan, Don Pedro, Guanzon, San Mateo, Agno, Doña Epifania, Ilaya, Don Pedro, Albert, P. Gomez, San Agustin, Quintos, Molina, Zenaida, Bagong Diwa, Ma. Aurora Extension Osmeña.
Bukod sa road closure, magpapatupad din ng re-routing scheme sa lunsod.
Ang hakbangin ng pamahalaang lungsod ay bunsod ng paggunita ng Semana Santa, dahil maraming aktibidades na may kaugnayan dito at apektado ang nabanggit na mga lansangan.
Samantala, sa abiso naman kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula alas-11:00 kagabi (Biyernes) hanggang sa Lunes, alas-5:00 ng umaga ay isasara rin sa mga motorista ang Southbound ng EDSA New York bago mag Monte de Piedad (1st lane from sidewalk), Northbound ng C-5 Road harapan ng SM Aura, EDSA pagitan ng White Plains – Gate 4 (2nd lane), EDSA 50m. pagkatapos ng Magallanes MRT hanggang KM 29 (outer lane).
- Latest