5 inaresto sa nawalang P52-M alahas
MANILA, Philippines – Inaresto ang limang empleyado ng jewelry store dahil sa hindi maipaliwanag na pagkawala ng iba’t ibang uri ng alahas na tina-tayang nasa P52 milyon ang halaga sa Aranque Market, sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa.
Sa investigation report mula sa tanggapan ni P/Major Ed Pama, hepe ng Theft and Robbery Section ng Manila Police District, ipinaaresto ng negosyanteng si Edwin Malibiran, 56, may-ari ng Edricka’s General Merchandise sa CM Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila, ang mga tauhan niyang sina Fria Apostol, 39; Elinor Sibal, 37; Celia Paulino, 37; Honey Lyn Gacosta, 30, at Aprilyn Sinugbuhan, 29 matapos mabuko ang ginawang pando-doktor umano sa inventory reports ng mga alahas.
Pinalabas umano ng mga suspek sa isinusumiteng inventory report na ang mga alahas ay naroon lang subalit natuklasan na mga naibenta na at hindi nagre-reflect sa kanilang benta at dokumento.
Nadiskubre lamang ni Malibiran ang krimen nang magsagawa sila ng quarterly inventory nitong nakalipas na Marso 6 sa tulong ng dalawang appraiser.
Nawawala ang nasa mahigit 13,000 gramo ng iba’t ibang carats ng ginto na nagkakahalaga ng P27-milyon at iba pang alahas na nasa P16-milyon at iba pang uri ng jewelries na nasa P9-milyon.
Kamakalawa nang hindi umano maipaliwanag ng mga suspek ang inventory reports na sila ang sinasabing nagkutsabahan ay pinaimbestigahan sa pu-lisya.
Nabatid na ang suspek na si Fria ang tagapag-imbentaryo na isinusumite sa kaniyang mga pamangkin na sina Paulino at Sibal.
Hindi na pinayagang makauwi ng mga suspek nang imbitahan sa MPD para sampahan ng reklamong qualified theft at falsification of documents sa Ma-nila Prosecutor’s Office.
- Latest