^

Metro

Mahigit 100K Manilenyo nalibre sa dialysis

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit 100,000 kidney patients sa lungsod ng Maynila ang nabigyan ng dialysis treatment sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) simula nang itayo ito noong 2014.

Ayon kay Gat. Andres Bonifacio Memorial and Medical Center Director Dr. Lui Aquino, nasa 111,500 hemodialysis treatments mula Disyembre 2014 hanggang ngayon, nasa  854 ang patuloy ang pagda-dialysis.

Nabatid na 72 dialysis machines na ang nakalagay sa Dialysis Center na nagagamit ng ilang daang pasyente na may problema sa kidney.

Binigyan diin naman ni Manila Mayor Joseph Estrada na ‘pro bono’ o libre ang dia­lysis treatment na kanyang inumpisahan noong maging Pangulo ng bansa.

Aniya daang Manilenyo ang walang kakayahang gumastos ng dialysis treatment kaya’t pinursige niya na mapaayos ang GABMMC at mag­lagay ng dialysis machines.

Maiiwasan ang pagka­matay dahil sa kidney disease kung tuluy-tuloy ang gamutan. Ang bawat pas­yente ay kailangan na sumailalim sa hemodialysis treatment tatlong beses isang araw.

DIALYSIS CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with