Bagong plaka ng motorsiklo mas maliit pa sa short bond paper — LTO
MANILA, Philippines — Mas maliit sa short bond paper ang bagong license plates para sa mga motorsiklo at hindi kailangang gawa sa metal.
Ito ang reaksiyon ni Land Transportation Office (LTO) Chief Edgar Galvante sa mga kritiko ng Republic Act No. 11235 or the Motorcycle Crime Prevention Act na nagsasabing mas magi-ging malaki, color-coded plates ang plaka ng mga motorsiklo na mag-uugat ng kawalang proteksiyon sa mga riders.
Naipakita ng LTO ang sample design ng naturang plaka na may laki na 198 millimeters (7.79 inches) by 220 mm (8.66 in) at ang laki ng numbers at letters dito ay may 70 mm (2.76 in) by 34 mm (1.33 in).
Nilinaw ni Galvante na maaari pang mapaliit ang plaka kung ang numero at letra nito ay mababasa ng publiko.
Nilinaw din nito na hindi pa anya nadedesisyunan ang uri ng material na gagamitin sa plaka.
Anya, ang license plates ay magiging color-coded depende sa kung anung rehiyon ito nakarehistro. Tulad anya sa mga motorsiklo, ang kulay ng plaka sa Metro Manila ay kulay pula.
Hanggang sa ngayon ay wala pang naipalala-bas na implementing rules and regulations (IRR) ang DOTC hinggil sa naturang batas.
- Latest