^

Metro

Erap, una pa rin sa Maynila

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Si Manila Mayor Joseph Estrada pa rin ang mas gusto ng mga taga-lungsod na maging alkalde kung ikukumpara sa kanyang mga makakalaban sa paparating na eleksiyon.

Sa pinakabagong sur-vey na isinagawa ng Probe Data Processing & Research Services,  lumilitaw na 45.9% ang boboto kay Estrada samantalang 34% naman kay Isko Moreno at 17.8% naman kay former mayor Alfredo Lim.

Ang iba pang kandidato na si Francis Villegas, 1%, Lito Atienza, 1% at 2.2% ang undecided.

Sa March 18-22, 2019 Probe surveys, tinanong ang 1,800 respondents sa lahat ng distrito ng Maynila kung sino ang iboboto nilang alkalde kung sakaling ganapin ang eleksiyon sa mismong araw na ginawa ang pagtatanong.

Sa mga nakaraang surveys mula December 2018 at January 2019, matatag pa rin si Estrada sa iskor na 43% laban sa dalawa niyang katunggali na si Isko 21% samantalang si Lim ay 16%.

Lumitaw din sa kaparehong survey na si vice ma-yoralty candidate Amado Bagatsing ay nakakuha ng 49.6% samantalang si Honey Lacuna ay 46.^%.

Kaugnay nito, nagpa­sa­lamat naman si Mayor Estrada sa patuloy na pagtanggap sa kanyang ng mga taga-Maynila bilang kanilang alkalde. Naniniwala si Estrada na ang performance niya sa nakaraang dalawang termino ang dahilan patuloy na pagtitiwala sa kanya ng mga mamamayan ng Maynila.

JOSEPH ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with