^

Metro

Canadian national, kalaboso sa 650 piraso ng ephedrine

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Canadian national, kalaboso  sa 650 piraso ng ephedrine
Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Central Mail Exchanfe Center ang may 650 piraso ng ephedrine buhat sa Canada.
(Kuha ni Rudy Santos)

MANILA, Philippines — Isang Canadian natio­nal ang dinakip ng mga tauhan ng Customs matapos makumpiska mula sa package  nito ang 650 na piraso ng tableta ng ephedrine sa Pasay City nitong Miyerkules.

Kinilala ang suspek na si Gary Mader,  50, 10-buwan nang naninirahan sa San-tolan, Pasig City.

Nabatid na isinailalim sa physical examination ng customs examiner ang laman ng nasabing package matapos ipakita ng consignee ang notice  at ID ng nasabing dayuhan kung saan natuklasan ang laman nito ay  650 pirasong tableta ng ephedrine.

Katwiran ng dayuhan 25-taon na niyang iniinom ang ephedrine na gamot niya sa kanyang alergy at  sa Canada umano ay sa over the counter lamang na­bibili ito at wala nang prescription doon na  advice ng kanyang doctor na inumin.

Hindi umano niya alam na bawal pala ito sa Pilipinas wala raw siyang balak na lumabag sa batas ng Pilipinas.

Ayon kay NAIA Customs District Collector Carmelita Talusan, nasabat ng kanyang mga tauhan customs ang mga tableta na wala umanong import permit.

Ang mga naturang gamot ay agad nilang i-turn­-over sa PDEA upang isailalim sa pagsusuri.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) deputy Inter Agency Anti Drug Task Group NAIA Gerald Javier, maaa-ring legal ang paggamit ng ephedrine tablets sa bansang pinanggalingan ng dayuhan ngunit bawal ito sa Pilipinas.  

BUREAU OF CUSTOMS

EPHEDRINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with