^

Metro

Overstaying na container van, isusubasta ng BOC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Overstaying na  container van,  isusubasta ng BOC
Ayon kay BOC Spokesperson Atty. Erastus Sandino B. Austria ito ang isang hakbang ng MICP Customs House Management upang lumuwag ang espasyo ng mga pag­lalag­yan ng mga containers at maiwasang ihambalang ang mga container van sa kalsada.

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Bureau of Customs (BOC) na isubas­ta ang mga overstaying na container van na nakatengga sa Manila International Container Port (MICP) na nagiging sanhi ng masikip na daloy ng  trapiko sa Maynila.

Ayon kay BOC Spokesperson Atty. Erastus Sandino B. Austria ito ang isang hakbang ng MICP Customs House Management upang lumuwag ang espasyo ng mga pag­lalag­yan ng mga containers at maiwasang ihambalang ang mga container van sa kalsada.

Napag-alaman na may 400 container vans na ang nasuri kung isusubasta o kailangan nang wasakin alinsunod sa batas. 

Upang mapadali ang eksaminasyon sa mga containers, nakipag-ugnayan ang MICP sa  International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) upang magkaroon ng sapat na slot sa pagsasagawa ng regular  examination schedules  para sa pag-iinspeksyon  ng mga itinuring na  overstaying containers sa mga itinalagang examination area (DEA).

Nabatid na maglalagay rin ang MICP ng karagdagang tauhan sa Auction and Cargo Disposal Division sa pamamagitan ng pagtatalaga ng examiners mula sa   Port’s Formal Entry Division na siyang mag-iinspeksyon sa mga nakatenggang containers. 

Ang nasabing bilang ay mula sa 1,100 nakatenggang containers kung saan inaasahang matatapos ng MICP sa loob ng halos dalawang buwan ang natitira pang ibang containers vans.

BUREAU OF CUSTOMS

OVERSTAYING CONTAINER VAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with