^

Metro

Ronnie Ricketts hinatulan ng 8-taong pagkakulong

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ronnie Ricketts hinatulan ng 8-taong pagkakulong
Ito’y matapos na mapatunayan ng Fourth Division ng Anti -graft Court na “guilty beyond reasonable doubt” si Ricketts. Kasama niyang nahatulan si dating OMB Enforcementy and Ins­pection Division computer operator Glenn Perez.

Guilty sa graft

MANILA, Philippines — Hinatulan ng anim hanggang walong taong pagkabilanggo ng Sandiganbayan si dating Optical Media Board (OMB) chairman Ronnie Ricketts dahl sa kasong graft bunsod sa hindi umano tamang paghawak sa mga nakum­piskang pirated DVDs at VCDs noong 2010.

Ito’y matapos na mapatunayan ng  Fourth Division ng Anti -graft Court na “guilty beyond reasonable doubt”  si  Ricketts. Kasama  niyang nahatulan si dating OMB Enforcementy and Ins­pection Division computer operator Glenn Perez.

Pinayagan  ng korte ang dalawa na makapagpiyansa ng tig-P30,000 para sa kanilang pansamantalang kalayaan habang nakaapela ang ruling ng kaso.

Agad namang nakapagpiyansa si Ricketts.

Bukod sa nabanggit na hatol, binawalan na rin ang aktor na  pumasok o humawak ng anumang pwesto sa gobyerno.

Nakasaad pa sa desisyon na pinaboran ng aktor ang Sky High Marketing Corporation nang makum­piska ng OMB ang tone- toneladang pirated compact discs sa kanilang gusali sa Quezon City noong Mayo 27, 2010.

Sa nasabi ring araw ay pinakawalan at isinakay sa sasakyan ng kompanya ang mga nakumpiska sa halip na magsampa ng kaukulang kaso laban sa kompanya.

OPTICAL MEDIA BOARD

RONNIE RICKETTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with