^

Metro

2,473 katao naaresto sa election gun ban

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2,473 katao naaresto sa election gun ban
Ayon kay PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac, mula Pebrero 13 ng taong ito sa pagsisimula ng gun ban hanggang alas-6 ng umaga nitong Marso 8, ay naitala ang nasabing bilang ng mga nasakote sa kabuuang 277,296 operasyon ng mga awtoridad.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 2,473 katao ang nasakote kaugnay ng paglabag sa election gun ban kaugnay ng gaganaping midterm elections sa Mayo ng taong ito.

Ayon kay PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac, mula Pebrero 13 ng taong ito sa pagsisimula ng gun ban hanggang alas-6 ng umaga nitong Marso 8, ay naitala ang nasabing bilang ng mga nasakote sa kabuuang 277,296  operasyon ng mga awtoridad.

Sa nasabing bilang nasa 1, 355 namang mga suspect ang naharang sa pagpapatrulya ng kapulisan, 474 ang nasamsam sa pamamagitan ng search warrants at 406 naman sa ‘Oplan Bakal, Sita, Galugad ‘operation.

Inihayag ni Banac  sa nasabing bilang nasa 211 katao ang nasakote sa checkpoints at 27 naman ang nasilbihan ng warrant of arrest simula ng ipatupad ang gun ban.

Inihayag pa ni Banac na nasa 16, 379 namang mga   armas ang nasamsam, granada, iba pang mga eks­plosibo, gun replica, matutulis na patalim at mga bala.

ELECTION GUN BAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with