^

Metro

Taiwanese nabiktima ng ‘Ativan Gang’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumung-lumong ang isang Taiwanese nang tangayin ng  mga miyembro ng ‘Ativan Gang’ ang kanyang P10,000 cash at cellphone sa may Rizal Park sa Maynila.

Nagreklamo sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS),ang biktimang si  Hong Pin Kuo,32, taga Kaoshsiung Taiwan at pansamantalang nanunuluyan sa Sulit Dormitel na matatagpuan sa V. Mapa St. Sta.Mesa,Maynila.

Ayon kay P/Capt. Henry Navarro,hepe ng MPD-GAIS, nakilala  ng  biktima sa police gallery ang isa sa apat na suspek na si Merlinda Mercado,ng Pagha­napin St. Tondo, Maynila  habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng tatlo pa nitong kasama.

Nabatid  na namamas­yal umano ang biktima sa Rizal Park  nang lapitan ng mga suspek at kaibiganin.

Nang makuha ang tiwala  ay pinainom ito ng soft drinks   at ilang sandal pa ay nawalan na ito  ng malay . Nang  magising ay wala na ang kanyang pera at gadget at wala na rin ang mga suspect.

vuukle comment

ATIVAN GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with