^

Metro

Pagsasara ng Tandang Sora flyover, giit ipagpaliban

Angie dela Cruz, Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Pagsasara ng Tandang Sora flyover, giit ipagpaliban
Pinangunahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang isina­gawang public consultation patungkol sa nakatakdang pagsasara ng Tandang Sora flyover na inaaasahang lilikha ng matinding trapik sa lugar kaugnay sa construction ng MRT-7. Nasa larawan din si Cong. Winston Castelo, head ng Committee on Metro Manila Development at mga opisyal ng MMDA.
(Kuha ni Boy Santos)

Traffic plan dapat pang pag-aralan

MANILA, Philippines — Inirekomendang ipag-pa­liban muna ng isang linggo ang pagsasara ng Tandang Sora flyover at intersection para pag-aralan muna ang mga traffic plan na ipatutupad sa lungsod.

Ito ang rekomendas- yon ng Quezon City Council sa tanggapan ng Metropo-litan Manila Development Authority (MMDA).

Sa sulat ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte kay MMDA General Ma-nager Jojo Garcia, hiniling nito na ipagpaliban muna ang pagsasara ng Tandang Sora flyover at intersection na itinakda sana sa Saba-do (Pebrero 23) para sa konstruksyon ng Metro Rail Transit (MRT) 7 at tatagal hanggang 2020.

Nakasaad sa sulat ni Vice Mayor Belmonte, na kung maaari ay re-schedule na lamang sa Marso 1, 2019 ang pagsasara nito.

Ito ay para mabigyan ng sapat na panahon ang Quezon City government  para sa information dissemination  na kanilang ipapakalat sa mga residente ng siyudad.

Bukod dito ay upang ma­pag-aralan ang mga traffic plan na ipatutupad sa mga apektadong lugar.

Sa ginanap na public consultation, sinabi ni QC pre­siding officer Joy Bel­monte na payag ang konseho na ma-delay ng isang linggo ang pagsasara sa flyover upang higit na mapaghandaan ng mga barangay officials, ng mga subdivision officials, mga business establishment, MMDA, QC Traffic at iba pang stakeholders ang mga paraan na gagawin para maibsan ang idudulot na epekto ng pagsasara nito.

Apektado nito ang mga 70 barangay kaya’t mina­buti ng pamunuan ni Belmonte na magpatawag ng isang public consultation sa pagitan ng mga stakehol-ders para malaman ang mga paraan na dapat gawin ng bawat isa para sa interes ng mamamayan.

Sa hearing, sinabi ni MMDA GM Garcia na nai­rekomenda na niya sa EEI na magkaroon ng isang ele­vated U-turn sa Tandang Sora para maiwasan ang matinding traffic dito.

May 100 enforcers anya ng MMDA ang tutulong sa QC DPOS para mangasi-wa sa daloy ng trapiko sa lugar oras na isara ang naturang fly over.

Sinabi ni Garcia na  magtatakda naman ang MMDA ng alternate route tulad sa Luzon, Congressional Ave­nue at Minda- nao Avenue oras na gibain ang naturang flyover.

METROPO-LITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

TANDANG SORA FLYOVER

TRAFFIC PLAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with