^

Metro

Deportation case vs ‘taho thrower’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Deportation case vs ‘taho thrower’
Dumating sa bansa si Zhang noong October 2018 na may hawak na Special Resident Retiree’s Visa. Si Zhang ay awtomatikong ilalagay sa watchlist ng BI.
Boy Santos

Inirekomenda ng BI

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng  Legal Division ng Bureau of Immigration (BI)  ang pagsasampa ng  deportation case  laban  sa Chinese national  na inaresto matapos na sabuyan ng  taho ang isang  MRT cop sa Mandaluyong noong Sabado.

Si Zhang Jiale, 23, ay pinigilan ni PO1 William Cristobal  na makapasok sa MRT station na may dalang  taho. Dito na sinaboy ni Zhang ang  dalang taho sa unipormadong pulis.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, kinakitaan ng  probable cause ang insidente kaya’t naghain ang  Legal Team  ng  deportation case  laban  kay Zhang.

Sa katunayan umano, maaari rin silang maghain ng motu proprio, dahil makikita naman sa mga larawan kung ano ang ginawa ni  Zhang  kay  Cristobal.

Nag-viral  sa social media ang  larawan ng  pagsaboy  ng taho ni Zhang kay Cristobal. Iginigiit ni Zhang na “bad mood” lang siya at humingi ng  paumanhin.

 Dismayado naman si BI Commissioner Jaime Morente  sa nangyari sa pagsasabi na  walang karapatang magyabang at mambastos ang mga dayuhan lalo na  sa isang public officials.

Dumating sa bansa si Zhang noong October 2018 na may hawak na Special Resident Retiree’s Visa. Si Zhang ay awtomatikong ilalagay sa watchlist ng BI.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

WILLIAM CRISTOBAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with