^

Metro

Justice Jose Abad Santos Hospital, palalakihin

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

 MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit P47 milyong halaga ang gugugulin sa pagpapalawak sa Justice Jose Abad Santos Hospital upang maserbisyuhan ang mga mahihirap na residente sa Lungsod ng Maynila.

Pinangunahan mismo nina Manila Mayor Joseph Estrada at Manila 3rd District Congresman Yul Servo Nieto  ang ground breaking ceremony sa nasabing ospital na popondohan ng DOH na ipatutupad naman ng tanggapan ng North Manila District Engineering Office.

Ayon kay Estrada, tuluy-tuloy ang serbisyo sa Manilenyo lalo na sa medikal. Hindi aniya dapat na balewalain ang  mga karamdaman dahil ito ang puhunan ng bawat Pilipino.

Libre lahat ang gamot at pagpapagamot kaya hindi dapat na mangamba ang  mga pasyente. Maaaring dumulog sa kanyang tanggapan kung tatanggi ang mga ospital na i-admit ang pasyente.

Napag-alaman naman kay Servo na anim hanggang pitong palapag ang extension ng nasabing ospital upang ma-accommodate ang mas maraming pas­yente at nangangailangan ng medical services.

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with