^

Metro

Hanging bridge giit itayo sa isinarang ‘Estrella-Pantaleon’

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Hanging bridge giit itayo sa isinarang ‘Estrella-Pantaleon’
Matapos ang makailang ulit na pagpapaliban, tuluyan na ngang isinara ang Estrella-Pantaleon Bridge para sa mahigit sa dalawang taon na rehabilitasyon kung saan libu-libong motorista at pedestrian ang maapektuhan.
Kuha ni Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Hindi lang mga motorista kundi libu-libong pedestrians din ang apektado sa isinara nang Estrella-Pantaleon Bridge kahapon sa Makati kung kaya pinag-aaralan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paglalagay ng hanging bridge para daanan ng mga ito.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Jojo Garcia, hiniling nila sa DPWH ang paglalagay  ng hanging bridge para daanan ng libu-libong pedestrian na tumatawid sa Makati at Mandaluyong City.

“Pag-aaralan nila kung pwede or hindi delikado para at least yung mga tao ay pwedeng maglakad na lang at hindi umikot nang umikot. Kino-consider nila yung hanging bridge,” ani Garcia.

Sabi ni Garcia, na uma­asa sila na ikokonsidera ng DPWH ang kanilang request.

Alas-4:00 kahapon ng madaling araw ay tuluyan nang isinara at hindi na maaaring daanan ng mga motorista at pedestrian ang Estrella-Pantaleon Bridge o Rockwell Bridge.

Isasailalim ito sa 30 buwang rehabilitasyon at posible pang mapalawig kung saan ay may baha­ging tulong mula sa Chinese government para ma-accommodate ang 5,000 na sasakyang dumadaan kada araw.

Dahil dito, ayon kay Bong Nebrija, MMDA EDSA traffic czar, na inaasahan na ang mas  mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA  sa South at  Northbound  mula  Guadalupe  hanggang Buendia sa Lunes ng umaga at hapong rush hours.

Kung kaya’t ipinatupad kahapon ng pamahalaang lungsod ng Makati ang re-routing scheme sa kahabaan ng Ayala Avenue at  Sen Gil J. Puyat Avenue.

Pinayuhan nila ang mga motoristang apektado ay gumamit na alternatibong route.

ESTRELLA-PANTALEON BRIDGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with