^

Metro

MRT-3 muling nagkaaberya, mahigit 700 pasahero pinababa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
MRT-3  muling nagkaaberya,  mahigit 700 pasahero pinababa
Sa pahayag ng MRT Management, ang insidente ay sanhi ng electrical failure sa motor ng tren at pagkasunog ng ilang electrical sub components tulad ng main chopper, regulator at insulator nito.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagkaaberya na naman ang isang tren ng Metro Rail Transit (MRT) matapos itong bahagyang umusok sa bahagi ng Boni Station sa Mandaluyong City nitong Biyernes ng hapon.

Sa pahayag ng MRT Management, ang insidente ay sanhi ng electrical failure sa motor ng tren at pagkasunog ng ilang electrical sub components tulad ng main chopper, regulator at insulator nito.

Bandang ala-1:20 ng hapon nang magkaaberya ang  isang tren ng MRT na naging dahilan upang pababain ang tinatayang mahigit sa 700 pasahero para sa kanilang kaligtasan.

Kasalukuyan nang nasa depot ng MRT sa Quezon City ang nagkaaberyang tren para makumpuni.

Kaugnay nito, humingi naman ng paumanhin sa mga commuters ng tren ang MRT Management ma­tapos na muling maibalik ang normal na operasyon ng kanilang mga tren.

MRT-3 TRAIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with