‘Yellow lane’ ipapatupad sa Commonwealth Avenue
MANILA, Philippines — Mahigpit na ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ‘yellow lanes policy’ sa kahabaan ng Commonwealth Avenue dahil sa matinding trapik na nararanasan na lalung lumala dahil sa construction ng Metro Rail Transit-7 (MRT-7).
Sinabi kahapon ng tagapagsalita ng MMDA na si Asst. Secretary Celine Pialago, na mahigpit nilang ipapatupad ang naturang traffic scheme dahil sa nararanasang traffic congestion sa naturang area.
Idinagdag pa nito, na sinimulan nila kahapon ang dry run ng ‘yellow lanes’ sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at nasa 1,370 motorista ang nasita.
Sa rekord ng MMDA, nasa 200,000 motorista ang bumabagtas sa Commonwealth Avenue kada araw at ang 50 porsiyento rito ay hindi nanatili sa kanilang itinalagang lanes na lalong nagiging sanhi ng traffic congestion.
Sa susunod na linggo ay posibleng maipapatupad na ito nang tuluyan kung saan pagmumultahin na rin ang mahuhu-ling lumalabag.
Ang yellow lanes sa Commonwealth Avenue ay kahalintulad din aniya ito sa EDSA, na ang kulay dilaw na linya ay magmumula sa Visayas Avenue hanggang Quezon Avenue at vice-versa.
- Latest