Estrella-Pantaleon Bridge, isasara na sa Enero 19
Mas matinding trapik asahan na!
MANILA, Philippines — Nakakasa na para isara sa Enero 19 (Sabado) ang 30-buwang rehabilitas-yon ng Estrella-Pantaleon Bridge na kumokonekta sa lungsod ng Makati at Mandaluyong kung kaya asahan na ang matinding trapik.
Ito ang naging paha-yag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ang rehabilitasyon ng tulay ay orihinal na itinakda noong Setyembre 2018, pero napagdesisyunan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ipagpaliban ito para bigyang daan ang holidays season at kalauna’y tuluyang itinakda sa Enero 19.
“Tuloy na tuloy na ang total replacement ng tulay sa Enero 19, Sabado, 4am,” pahayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia sa isang pulong balitaan na isinaga- wa sa tanggapan ng MMDA.
Kabilang sa proyekto ang demolisyon at rekonstruksyon ng tulay, hindi lang para mas maraming sasakyan ang makinabang kundi para na rin patibayin ito sakaling magkaroon ng malakas na lindol.
Hindi rin umano akma sa urbanized city ang tulay na nasa 160 metro nang itayo ito noong 2010, na nasa 35,000 sasakyan ang dumadaan araw-araw.
“Palalawakin ng DPWH ang tulay at mula sa dalawang lanes ay gagawing apat na lanes sa loob ng dalawa at kalahating taon,” sabi ni Garcia.
Aniya, ang pagpapalit ng tulay ay magdudulot ng bigat sa trapiko pero tiniyak nito sa mga motorista ang pangmatagalang benepisyo oras na matapos ang proyekto.
Mula sa dating 10-minutong travel time, aabutin na ang mga motorista ng 30 minuto hanggang isang oras dahil sa gagawing pagsasara. Kasama rin sa proyekto ang road widening sa landing area ng tulay na nakatakda naman sa 2020.
Bago pa man ang nakatakdang pagsasara, inatasan na ni Garcia ang Task Force Operations Group na paigtingin pa ang clearing operations sa mga alternatibong ruta, sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan ng Makati at Mandaluyong.
Panukala ni Garcia, na lagyan ng hanging bridge ang nabanggit na tulay para maging daanan ng mga pedestrian.
- Latest