Proper waste disposal, pinatututukan sa Maynila
MANILA, Philippines — Pinatututukan ni Manila Mayor Joseph Estrada kay City Administrator Ericson Alcovendaz ang maayos na waste disposal ng mga istrakturang pag-aari ng local na pamahalaan kasunod ng plano ng national government na isagawa ang major rehabilitation ng Manila Bay. Partikular na pinatututukan ni Mayor Estrada ang Manila Zoo na kabilang sa nabanggit ng DENR na walang maayos na waste disposal system upang matiyak na makakatutugon ito sa Environmental Code Ordinance 8371 na naipasa ng konseho sa ilalim ng kanyang termino.
Magsasagawa rin ng imbentaryo sa mga gusali na pag-aari ng city government para sa lalong mada-ling panahon ay magawan ng mga tamang waste disposal ang mga ito bago pa magsimula ang rehabilitasyon ng Manila Bay.
Aniya, dinatnan na niya ang sitwasyon ng Manila Zoo kaya’t ginagawan ito ng paraang maayos.
Ito rin aniya ang layunin ng Enviromental Code Ordinance para nga masolusyunan ang mga problemang sumisira sa ating kalikasan.
Tiniyak ni Estrada na suportado niya ang proyektong rehabilitasyon ni Pangulong Duterte kaya’t ngayon pa lamang ay pinaiinspeksiyon na rin niya ang iba pang city owned premi-ses na posibleng direktang nagtatapos sa Manila Bay.
- Latest