^

Metro

2 miyembro ng ‘Basag Kotse Gang’, patay sa engkuwentro

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 miyembro ng �Basag Kotse Gang�, patay sa engkuwentro
Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa dalawang nasa-wing suspect na kapwa nasamsaman ng kalibre 38 baril.

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang lalaking miyembro ng ‘Basag Kotse Gang’ matapos na makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa Brgy. Greater Lagro, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa dalawang nasa-wing suspect na kapwa nasamsaman ng kalibre 38 baril.

Naganap ang shootout dakong alas-12:30 ng madaling araw sa Lilac corner, Gabriel Sts., Brgy. Greater Fairview, Quezon City.

Bago ang insidente ay nag-report sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Joe Ismael Pajanustan, 31, residente ng Fairlane St., Barangay Greater Fairview, Quezon dahil binasag ang salamin ng kanyang nakaparadang kotse na Nissan Sentra sedan  at kinuha ang kanyang tablet na nagkakahalaga ng 25,000, laptop na nagkakahalaga ng 20,000 at iba pang kagamitan.

Agad na nagkasa ng follow-up operation ang mga awtoridad at naispatan ang dalawang suspek na noon ay lulan  ng motorsiklo at naghahanap ng panibagong biktima

Pinahihinto ng mga pulis ang mga suspek pero sa halip na huminto ay pinaharurot ng takbo ang sinasakyan nilang motorsiklo kasabay nang pagpapaputok sa mga awtoridad.

Gumanti ng putok  ang mga pulis na ikinasa-wi ng dalawang suspect.

Narekober mula sa dalawang suspek ang dalawang kalibre .38 revolver, mga bala at nabawi rin ang kinulimbat na gamit kay Pajanustan.

vuukle comment

BASAG KOTSE GANG

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with