^

Metro

Bangkay ng Amerikana itinapon sa Ilog Pasig, 2 ‘killer’ arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bangkay ng Amerikana itinapon  sa Ilog Pasig, 2 ‘killer’ arestado
Nasa larawan ang ID na na- kuha mula sa biktima na si Tomi Michelle Masters at ang dalawang sus- pek na sina Troy Woody Jr (kaliwa) at Mir Islam (kanan).
Rey Galupo

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng babaeng American citizen na nakabalot sa garbage bag at nakasilid sa isang mala-king kahon ang natagpuan sa isang bahagi ng Ilog Pasig, sa Baseco Comp sa Port Area, Maynila, matapos na itapon ng kanyang kasintahan at kasamang lalaki, kahapon ng mada-ling araw.

Sa inisyal na ulat mula kay Manila Police District Director Senior Supt. Vicente D. Danao Jr, naka­silid sa malaking kahon ang isang garbage bag na pinagbalutan sa bangkay ng babaeng kinilalang si Tomi Michelle Masters, 23, tubong Indiana, USA at nanunuluyan sa Unit 11 ng 14th floor Avida Tower, sa  One Edsa cor. Reliance St. Brgy Highway Hills, Mandaluyong City.

Mabilis namang nada-kip ang mga suspek na ki­nilalang sina Troy Woody Jr., 21-anyos, American national, CEO ng Luxr Limited Liability Company at nanunuluyan din sa nasabing condominium at Mir Islam, American national at CEO din ng Luxr Limited Liability Company at naninirahan sa Unit 1610 16th flr. Manila Residences, Bocobo Condominium, sa Ermita, Manila.

Nabatid na ini-report ng Grab driver na si John Kenneth Quimba sa mga otoridad ang kaniyang nasaksihan kaugnay sa kahon na inihulog umano ng kanyang dalawang pasaherong banyaga sa Pasig River dakong alas-2:40 ng madaling araw.

Nagduda ang Grab driver, dahil sa halip na du­miretso sa Robinson’s Place sa Ermita, Maynila ang 2 pasahero ay nagpa­daan pa sa kanya sa nasa­bing lugar at nais lang umanong makita ang Pasig River subalit nasorpresa siya nang ihulog sa dagat ng dalawa ang dalang ma-laking kahon bago nagpahatid sa destinasyon.

Nagpa-book umano ang nasabing pasahero na sinundo niya sa Tower 1 Avida Towers sa Mandaluyong City at nagpapahatid sa sa Robinson’s Place Manila.

Nang i-report sa pulis­ya ay agad tinungo ang Baseco kung saan nasagip ang kahon na naglalaman ng bangkay ng biktima.

Nang isagawa ang fol-low-up operation ay nasakote ng mga tauhan ng MPD-Station 5 at MPD-Ho­mi­cide Section ang dalawang suspek sa tinutuluyang unit ni Islam.

ILOG PASIG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with