^

Metro

Trike driver, itinumba ng tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Trike driver, itinumba ng tandem
Nakilala ang nasawi na si William Macalintal, alyas Willy, 49, ng Brgy. 177 Cama­rin, ng naturang lungsod.
File Photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang tricycle driver na sinasabing sang­kot sa iligal na droga nang pagbabarilin ng riding-in- tandem, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si William Macalintal, alyas Willy, 49, ng  Brgy. 177 Cama­rin, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police, alas-9:20 ng gabi nang maganap ang pagpaslang kay Macalintal. Kapaparada lamang ng biktima sa ipinapasada niyang tricycle sa may Navarro Street sa Maligaya, Brgy. 177 nang dumating ang dalawang salarin na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Hindi pa nakakababa ng triycle ang biktima nang paulanan siya ng bala sa ulo at katawan ng mga salarin na mabilis ring tumakas. Bigo naman ang mga saksi na makilala ang mga gunman dahil sa kapwa nakasuot ang mga killer ng face masks.

Ayon sa isang saksi, kila­lang sangkot rin umano sa aktibidad sa iligal na droga sa kanilang lugar si Macalintal.  Isa ito ngayon sa tinitignan na anggulo ng pulisya sa naturang pamamaslang.

vuukle comment

KILLED BY RIDING-IN- TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with