^

Metro

Maria Ressa, nagpiyansa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Maria Ressa, nagpiyansa

Sa kasong tax evasion

MANILA, Philippines — Naghain ng piyansa  sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) ang chief executive officer (CEO) ng Rappler Holdings Corporation (RHC) na si Maria Ressa, matapos siyang isyuhan ng warrant of arrest  dahil sa kinakaharap na kasong tax evasion.

Si Ressa ay naglagak ng P60,000 piyansa sa hukuman upang makaiwas sa pag-aresto.

Una dito ay sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng limang magkakahiwalay na tax evasion cases sa Court of Tax Appeals at sa Pasig City RTC si Ressa.

Bumagsak ang kaso sa sala ni Hon. Judge Danilo Buemio ng Pasig RTC Branch 265 hanggang magpalabas ng arrest warrant ang hukom, pero hindi pa man naisisilbi ay nagpiyansa na si Ressa.

Bagamat sumailalim si Ressa sa booking procedure, hindi na siya kinailangan pang kuhanan ng mug shots dahil may dala na siyang mga larawan.

Matatandaang ang RHC ay ang holding company ng Rappler Inc., na siyang may-ari ng news website na Rappler.

Naharap ito sa ilang problemang legal kamakailan kabilang ang pagbawi ng pamahalaan ng license to operate (LTO) nito noong Enero, cyber libel complaint, at tax evasion cases.

Naninindigan naman si Ressa na walang basehan ang mga kasong inihain laban sa kanila at iginiit na nagbabayad sila ng tamang buwis sa pamahalaan.

vuukle comment

MARIA RESSA

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with