Otis Bridge bubuksan na sa Dec. 15
MANILA, Philippines — Sa darating na Disyembre 15 ay bukas na sa mga motorista ang Otis Bridge sa Paco, Maynila.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), madaraanan na ng mga motorista ang naturang tulay matapos itong sumailalim sa rehabilitasyon ng Department of Works and Highways (DPWH).
Matatandaan na nitong nakaraang Hunyo ng taong kasalukuyan ay nag-collapsed ang center island ng Otis Bridge dahil sa kalumaan at ang pagdaan ng mga dambuhalang trak.
Kabilang ang Otis Bridge sa 58 tulay sa Metro Manila na peligro nang daanan base sa evaluation ng DPWH kung kaya isinagawa ang rehabilitasyon.
Ayon sa MMDA ay tamang-tama sa nalalapit na Kapaskuhan na kahit papaano aniya ay makakabawas ng masikip na daloy ng trapiko sa area ng Maynila.
- Latest