Chinovelas ipinasilip sa Makati City
MANILA, Philippines — Upang mas mapalawig ang relasyon ng bansang China at Pilipinas, papasukin na rin ng mga Chinovelas at iba pang television program ang telebisyong Pilipino na isinalin sa wikang Filipino makaraang ipasilip nitong nakaraang linggo ang ilang kapana-panabik na Chinovelas sa presentasyon na may titulong China Image: Showcase of popular Chinese TV drama sa Makati Diamond Residences sa Makati City.
Kabilang sa mga dumalong panauhin ay sina PCOO Undersecretary Marvin Gatpayat, PTV-4 officer-in-charge Richard Valdez at Ma Li, Director General of the International Cooperation Department of the National Radio and Tele-vision Administration of China, Zhao Yifang, CEO of Huace Group, Mr. Wu Yi, Thanyi Media, Ms Xhang Chenxi, Asst. GM IM Power of China at Mr. Zhan Yikai ng Jiaping Film.
Layunin ng pagpapalabas ng mga Chinovelas sa bansa na makilala pa ng lubusan ng mga Filipino ang kulturang Tsino at makapag-ambag sa industriya ng telebisyon sa Pilipinas.
Nilinaw naman sa media ni Madam Xhao Yifang, aangkat din sila ng mga Filipino TV drama na kanilang isasalin sa kanilang wika upang higit na maunawaan ng kanilang kababayan ang kultura ng Pilipinas.
- Latest