^

Metro

Mabuhay Lane pinagkakakitaan-MMDA

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na pinagkakakitaan umano  ng ilan  ang  itinuturing na Mabuhay Lanes.

Ito ay inihayag ni MMDA ope­ration supervisor Bong Nebrija, na nagsabing ginagawang paradahan ng mga moto­rista sa araw at pinagtitindahan naman ng mga illegal vendors sa gabi ang magka­bilang side ng kahabaan ng Palanca St. sa Maynila na itinuturing na isa sa mga Mabuhay Lanes.

Nang magsagawa ng clearing operation ang grupo ni Nebrija sa lugar nitong Biyernes, nakahatak sila ng anim na pribadong behikulo dahil ilegal na nakaparada ang mga ito.

Kung saan pumalag ang ilang indibiduwal na nagsabing may basbas aniya rito ang pamahalaang lungsod ng Maynila, dahil may Memorandum of Agreement (MOA) dito  ang barangay.

Kung kaya’t hinamon  sila ni Nebrija na magpakita ng katibayan na may MOA sa pagitan ng barangay at city hall para payagang gawing paradahan at pagtindahan ang lugar.

Isang  lalaki ang lumutang na hindi na nagpabanggit ng pangalan, na nagpakita ng katibayan.

Subalit, nadiskubre ni Nebrija na hindi  MOA, kundi ang papel na ipinakita sa kanya ay ang halagang P180,000.00 na ibinayad sa pamahalaang lungsod ng Maynila sa loob ng anim na buwan para mapayagang makapag-parking at makapagtinda sa lugar.

Sabi pa ni Nebrija, kahit pa  pumapayag ang Manila City Hall Office dito ay  hindi naman aniya tamang pagkakitaan ang kalye ng kung sinuman.

MABUHAY LANE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with