^

Metro

Brgy. kagawad, dinedo sa Malabon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Brgy. kagawad, dinedo sa Malabon
Nakilala ang napaslang na si Rodrigo Tambo, alyas Tacio, 40-anyos, na sinasabing political leader ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta.
File Photo

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ng dala­wang hindi nakilalang salarin ang number 1 barangay kagawad sa Malabon, kahapon ng umaga. 

Nakilala ang napaslang na si Rodrigo Tambo, alyas Tacio, 40-anyos, na sinasabing political leader ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta. 

Sa inisyal na ulat ng Malabon City Police, naganap ang pamamaslang dakong  alas-6:32 ng umaga sa Purok 6 Dulong Hernandez, Brgy. Dulong Hernandez.  

Nabatid na kausap ni Tambo ang saksing si Lawrence Margalio, 41, sa naturang lugar nang dumating ang dalawang salarin at pinaputukan sila.  Napuruhan ng mga bala si Tambo habang agad namang nakaiwas si Margalio. Matapos ang pamamaril, dali-daling tumakas ang dalawang salarin.

 Inilarawan ng saksi ang mga gunman na nakasuot ng itim at puting t-shirt, short pants, tsinelas, kapwa nasa pagitan ng edad 30-35 an­yos, at mga payat.

Blangko pa ang pulisya sa tunay na motibo sa pamamaslang habang pilit na kinikilala ang mga gunman na hinihinalang mga bayaran.

Nabatid rin na bukod sa pagiging number 1 Kagawad sa Brgy. Catmon ng biktima, kilala siyang malapit kay Mayor Oreta at isa sa magagaling niyang political leader. Tinitignan rin ng pulisya ang kaugnayan nito sa pamamaslang sa biktima.

MALABON CITY POLICE

RODRIGO TAMBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with