Rollback uli sa petrolyo
MANILA, Philippines — Sa ikaanim na pagkakataon ay muli na namang nagpatupad ng oil price rollback ang mga kompanya ng langis ngayong araw ng Martes.
Ang oil price rollback ay pinangunahan ng Pilipinas Shell, Flying V, Total, CPI (Caltex), Petron Corporation, at PTT Philippines.
Nagtapyas ito ng P1.25 sa kada litro ng gasolina, P1.10 kada litro ng diesel at P0.80 kada litro ng kerosene epektibo ng alas-6:00 ng umaga.
Una nang nagpatupad ng oil price rollback ang Phoenix Petroleum Philippines, Petro Gazz, Seaoil at Unioil sa kahalintulad na halaga.
Matatandaan na nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng big time oil price rollback ang mga oil companies, na P2.30 kada litro ng gasolina, P2.00 kada litro ng diesel at P1.85 kada litro ng kerosene.
- Latest