^

Metro

‘One strike policy’, ipapatupad ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘One strike policy’, ipapatupad ng PNP
Ayon kay PNP Chief P/Director General Oscar Alba­yalde, ang kautusan ay ipinarating na niya sa lahat ng mga police commanders sa buong bansa matapos ang command conference na kaniyang ipinatawag sa mga provincial commanders, regional directors at iba pang pinuno ng mga support units ng PNP.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Dahilan sa mga insidente ng pagkakasangkot sa ‘palit-puri’ at illegal drug trade, ipapatupad ng Philippine National Police (PNP) ang ‘one strike policy’  sa mga hepe at iba pang pinuno ng mga unit  ng pulisya na masasangkot sa matitinding katiwalian ang mga tauhan.

Ayon kay PNP Chief P/Director General Oscar Alba­yalde, ang kautusan ay ipinarating na niya sa lahat ng mga police commanders sa buong bansa matapos ang command conference na kaniyang ipinatawag sa mga provincial commanders, regional directors at iba pang pinuno ng mga support units ng PNP.

Sinabi ni Albayalde na ang ‘one strike policy’ sa internal cleansing ay napagdesisyunan ng liderato ng PNP dahilan sa  pagkakasangkot sa matinding pagkakasala ng ilang mga pasaway na pulis.

Kabilang nga dito  ang ‘palit-puri’  modus operandi ng mga scalawags na pulis sa Metro Manila at ang kaso ng panghahalay ng isang police instructor sa isang lady cop sa training center sa Puerto Princesa, Palawan.

“The relief will be imme-diate. There will be no se-cond chance because we already did everything about this in the past by issuing memorandum, directives, yet, they cannot yet supervise their men,” pahayag ni Albayalde.

Samantalang, kabilang rin sa saklaw ng ‘one strike policy’ ay ang paggamit at pagkakasangkot ng mga pulis sa illegal drug trade at iba pang seryosong pagkaka-sala habang nasa serbisyo.

  “Chiefs of police only handles 30 to 100 personnel so we don’t see any reason why they would not be able to supervise their personnel properly,” anang opisyal.

Nilinaw naman ni Alba-yalde na ang nasabing polisiya ay una nang ipinatupad sa Metro Manila kung saan sinibak ang mga station commanders ng pulisya nang masangkot sa ‘palit-puri’ ang ilan ng mga itong tauhan.

Sa pagkakataong ito, sinabi ni Albayalde na ang  ‘one strike policy’ ay sasak­law sa mga himpilan ng pulis­ya sa buong bansa.

Samantalang ang tanging makapagsasalba sa mga provincial commanders at regional directors para hindi masibak sa puwesto ay kung mabilis ang naging pagresponde ng mga ito sa mga krimen at nabigyang solusyon ang kaso.

ONE STRIKE POLICY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with