^

Metro

2 na namang parak sa ‘palit-puri’, arestado

Mer Layson, Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
2 na namang parak sa ‘palit-puri’, arestado
Galit na galit na kinompronta ni NCRPO chief, Di­ rector Guillermo Eleazar at agad ding dinisarma­ han ang dalawang bagitong tauhan ng Quezon City police na nadawit sa panghahalay sa isang inares­ tong bebot na suspect sa illegal gambling kapalit ng kalayaan nito.

Hinuling suspect ni-rape para mapalaya

MANILA, Philippines — Dalawa na namang bagitong pulis na nakatalaga sa Quezon City  Police District (QCPD) ang dinakip kaugnay sa panghahalay sa inaresto nilang bebot dahil sa illegal gambling.

Iniharap kahapon sa tanggapan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang mga suspect na sina PO1s Jayson Portuguez, 29, at Severiano Montalban III, kapwa nakatalaga sa Tactical Motrocycle Riders (TMR) ng QCPD Police Station 4 Novaliches.

Bunsod ng insidente ay agad ding sinibak sa puwesto ang hepe ng QCPD-TMR-PS-4 na si P/Inps. Ronaldo Sergio, at tatlo pa nitong tauhan na sina PO2 George De Leon, PO1 Benjieson Pablo, at PO1 King Ogalesco na kasama sa pag-aresto sa nagsusugal na biktimang dalaga.

Base sa report, alas-2:00 ng madaling-araw nang madakip nang pinagsanib na pwersa ng Regional Women and Children Protection Desk (RWCPD) at  Regional Special Operations Unit (RSOU) ng  NCRPO ang mga suspect .

Bunsod ito ng reklamo sa tanggapan ng  RWCPD, NCRPO ng biktima na itinago sa pangalang Maria hinggil sa ginawang pang-aabuso sa kanya ng mga suspect.

Nabatid na noong Nob­yembre 2, alas-6:00 ng gabi ay dinalaw ng biktimang si Maria ang kanyang kinakasamang si  John Kenneth Carillo, na nadakip ng mga kagawad ng QCPD Police Station 4 Novaliches dahil sa iligal na sugal.

Pagkatapos noong  Nobyembre 3 ay nagtungo si Maria sa Plaza Nova para bisitahin ang mga kaibigan, pagkaraan ng ilang oras ay dumating sa lugar ang ope­ratiba ng  TMR  and Mobile Patrol Unit (MPU)  ng  QCPD Police Station 4 kasama ang dalawang suspect.

Inaresto si Maria at  lima pang kababaihan dahil din sa paglabag sa  PD 1602 (Illegal Gambling) at kaagad silang dinala sa Quezon City General Hospital para  sa medical exa­mination.

Nakiusap si Maria sa mga suspect na palayain siya dahil nadakip na ang kanyang kinakasama dahil din sa kaparehong kaso.

Dito ay sinabi ni PO1 Montalban III, na palalayain aniya siya kapalit na maki­pag-sex siya dito at pumayag ang babae

Ala-1:00 ng madaling araw ng Nobyembre  3, 2018, dinala ang biktima sa madilim na bahagi ng Quezon City General Hospital at naganap ang kanilang pagtatalik sa loob ng police mobile pick-up vehicle.

Pagkatapos ay ipinasa ang biktima kay PO1 Portuguez, na hindi naman ito nakipagtalik, subalit inutusan niya ang babae na magsagawa ng sexual acts.

Nang isalang sa police line-up ang dalawang bagitong pulis ay positibong kinilala ang mga ito ng nabanggit na biktima. 

NABBED

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with