^

Metro

Pagkuha ng fare matrix sa jeep sa central office ng LTFRB na lamang

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagkuha ng fare matrix sa jeep   sa central office ng LTFRB na lamang
Niliwanag din ni Delgra na P560 lamang ang fare matrix para sa mga pampasaherong jeep at hindi P610 gaya ng napapaulat.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Sa Central office na lamang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa East Ave­nue sa Quezon City makukuha ang fare matrix para sa mga pampasaherong jeep ng Metro Manila at hindi na sa NCR office ng ahensiya sa EDSA sa Timog.

Ito ang inanunsyo ni ­LTFRB Chairman Martin Delgra nang makarating sa kanya ang mga reklamo sa sobrang haba ng pila at bagal na mag-isyu ng fare matrix ang NCR-LTFRB kayat domuble na ang bilang ng mga aplikante para dito.

Niliwanag din ni Delgra na P560 lamang ang fare matrix para sa mga pampasaherong jeep  at hindi P610 gaya ng napapaulat.

“So we’re transferring the distribution of the fare matrix for NCR to the central office, which will have a much more space starting today until we will be able to distribute and release all the fare matrix for Metro Manila,” sabi ni Delgra.

Sa rekord ng LTFRB, may kabuuang  6, 360 fare matrix  ang naipapalabas pa lamang ng LTFRB sa mga  jeepney drivers sa NCR, Regions 3 at 4 at sa central office.

Muli binalaan ni Delgra ang mga PUV operators na maaari lamang maningil ng taas pasahe kung may nakakabit ng fare matrix sa kanilang mga sasakyan.

Alinsunod sa inaaprubahang taas singil pasahe, nasa P10 na ang minimum pasahe sa pampasaherong jeep sa Metro Manila, Region 3 at 4 at dagdag P1 naman sa mga pampasaherong bus at MMLA at provincial buses.

FARE MATRIX

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with