International dance at musical competition para sa mga iskolar ng PAGCOR
MANILA, Philippines — Para sa benepisyo ng mga anak ng empleyado at hindi empleyado na scholar, inilunsad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ng Cultural Center of the Philippines (CCP) ang isang international dance at musical competition sa Pasay City kahapon.
Ang naturang programa ay pinangunahan ni PAGCOR Chairman at CEO Andrea Domingo, na pinamagatang “Dances of the World, Tara Byahe Tayo Musical”
Ang dance musical ay sayaw mula sa ibat-ibang bansa tulad ng China, Thailand, Argentina, France, Mexico, French Polynesia, USA, Brazil, South Africa at India.
Lalahukan ito ng PAGCOR employees mula sa Corporate Offices, Casino Filipino branches at Satellite Operations Group (SOGs), na gaganapin sa Nobyembre 9, alas-7:00 ng gabi sa CCP Tanghalang Nicanor Abelardo sa Pasay City.
Nasa 10 grupo ang maglalaban, mula sa Bacolod, Cebu, Davao, Ilocos Norte, Pampanga, Tagaytay at Metro Manila.
Sa magwawagi sa competition, ang champion ay tatanggap ng gantimpalang P200,000.00 cash, trophy at certificate; P150,000.00 para sa first runner-up; P100,000.00 sa second runner-up at P50,000.00 para sa non-winning group.
Ang naturang programa aniya ay para sa benepisyo ng mga anak ng empleyado na bagamat mahirap ay may mataas na grado kaya naging iskolar.
- Latest