^

Metro

Billboards sa MM, pinatiklop ng MMDA

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Billboards sa MM, pinatiklop ng MMDA
Paspasan ang ginagawang pagtitiklop sa mga higanteng billboard sa erya ng Kamuning sa panulukan ng EDSA kahapon kasabay ng kautusan ng MMDA bilang paghahanda sa paghagupit ng bagyong Rosita sa Cagayan-Isabela at inaasahang maapektuhan din ang Metro Manila.
Michael Varcas

Sa paghagupit ng Bagyong Rosita

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) sa mga outdoor advertisers na ibaba o itiklop ang kanilang mga billboards ngayong nakataas na ang storm warning signal number 1 sa Metro Manila dahil sa bagyong Rosita.

Ayon kay Metropolitan Ma­nila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim, dapat ay ibaba ang mga tarpaulin at billboards sa mga pangunahing lansangan dahil sa inaasahang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan at malalakas na hangin sa Hilaga at Gitnang Luzon na dala ng bagyo.

Nitong Lunes ay itinaas  na ng Philippine Atmospheric, Geophysical, Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Storm Warning Signal Number 1 sa Metro Manila.

“Hindi na natin pa kaila-ngang hintayin ang buhos ng ulan bago simulang ibaba ng mga advertisers ang kanilang billboard para maiwasan ang mga pinsalang maaari nitong idulot,” saad ni MMDRRMC focal person Michael Salalima.

Ani Salalima, makikipag-ugnayan ang MMDA sa mga miyembro ng MMDRRMC at mga disaster management teams ng mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila para i-monitor ang posibleng epekto ng bagyo sa Kamaynilaan.

BAGYONG ROSITA

METRO MANILA DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with