PITEX bubuksan na sa Nobyembre
MANILA, Philippines — Posibleng buksan na sa Nobyembre 5 ng taong kasalukuyan ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITEX).
Ang modernong terminal ay ang kauna-unahang landport sa bansa partikular ng mga provincial bus galing Cavite at Batangas maging ng iba pang pampublikong sasakyan na bumibiyahe sa Metro Manila.
May mga parking area ito na para sa mga pribadong sasakyan. Mayroon din itong charging points, locker facilities, telephone booths, restrooms, kung saan maaari ring maligo dito.
Umaasa ang gobyerno na sa pamamagitan nang pagbubukas ng naturang makabagong terminal ay maiibsan ang problema ng matinding trapik sa Metro Manila.
- Latest