Anak ng ‘drug queen’, inabsuwelto sa droga
MANILA, Philippines — Inabsuwelto ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang anak ng isang ‘drug queen’ sa kasong may kinalaman din sa illegal na droga.
Batay sa desisyon na pirmado ni Judge Daniel Villanueva ng RTC Branch 49, hindi sapat ang ebidensya na magdidiin kay Diana Yu Uy, anak ni Yu Yuk Lai na nakakulong pa hanggang ngayon sa Correctional Institution For Women.
Sa imbestigasyon, lu-malabas na walang bisa ang search warrant na inisyu noon laban kay Uy dahil walang sapat na batayan bukod pa sa illegal na drogang nakuha sa kanya ay itinanim lamang.
Nakasaad din na ang ebidensiya na nakuha kay Uy ay hindi maaa-ring tanggapin ng korte at posibleng ‘planted’.
Matatandaan na naaresto si Uy noong Nobyembre 2017 nang makum-piskahan ng halagang P10 milyong shabu sa isang condominium unit malapit sa Solano gate ng Malacañang sa San Miguel, Maynila.
Nakuha ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang hindi malamang halaga ng shabu na nakalagay sa plastic bag sa condominium ni Uy.
Hindi naman nagbigay ng pahayag ang PDEA hinggil sa naging desisyon ng korte.
- Latest