Rehabilitasyon ng NAIA Terminal 2, sisimulan na
MANILA, Philippines — Sisimulan na sa susunod na linggo ang rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Inihayag ito ni Ric Medalla, ang general manager for engineering ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Ayon dito kabilang sa plano ang pagpapaluwag ng ilang bahagi ng Terminal 2.
“Construction of field offices of contractors and consultant started last month. More or less, we will begin the project by next week. Probably matatapos ito aabutin ng one and a half year,” ani ni Medalla.
Nasa P604 milyong pondo ang nilaan ng gobyerno para sa rehabilitasyon ng NAIA terminal 2 para sa pagpapalaki ng arrival level, south at north wing ay palalawigin din para maluwag at hindi magsiksikan .
“The contract for this project is for one and a half years, so we expect the rehabilitation to be finished by that time,” ani Medalla.
Sinabi naman ni MIAA Media Affairs Division head Jess Martinez, layunin ng rehabilitation ay mapahusay pa ang serbisyo sa buong terminal at para ihanda ang airline terminal realignment plan.
Sa kasalukuyan, ang NAIA Terminal 2 ay ginagamit ng Philippine Airlines (PAL) para sa international at domestic flights nito.
“It was not even designed to have a section for the Bureau of Immigration, as well as a Duty-Free store,” ayon kay Martinez.
- Latest